Saturday, January 2, 2010

Pinoy Henyo Guide

Tao ba to? Hayop? Bagay? Lugar? Pangyayari? O pagkaen? Eto ang PINOY HENYO…

Marami na sa atin ang nahumaling at nag enjoy dito. Sa mga parties, gatherings at khit n mga simple games lng madami na ang nagsaya at napatawa ng larong ito. Totoo naman kasing nakatutuwa at nakalilibang laruin ang game n pinoy henyo.. at kung di mo pa nasubukan aba mag isip isip ka na dahil bka d ka tao bagay o anu man..haha

Ang Pinoy Henyo (Filipino Genius) ay nagmula sa number 1 noon time show sa Pinas. At sa maikling panahon ito ay naibigan n ng maraming Pilipino..
Ang larong ito ay sumusukat sa talino, bilis ng pagiisip, diskarte, imahinasyon, at pagkakakilala o pagkakaintindi sa isat isa ng dalawang kasali… kung saan umikot ang laro sa pagtatanong ng mga ibat ibang kategorya upang mahulaan ang mahiwagang salita sa noo..


Sa aking maikling panahon sa paglalaro nito ako ay sobrang nasiyahan sa tema at klase ng paraan.. at dahil doon naisip ko na anu nga ba ang pinaka magandang paraan pra mhulaan ang isang salita sa isip ng isang tao na sumasagot lamang ng OO, HINDI, at PWEDE…

Ang guide na ito ay aking nabuo upang makatulong sa mga hindi gaano marunong hangang sa mga sobrang seryoso sa larong ito… hindi ko magagarantisado na mahuhuluan nyo ang salita dahil lamang sa pamamagitan ng guide n maibibigay ko.. pero masisigurado ko na sa tulong ng guide n ito at sa galing ng dalawang magkapartner na naglalaro ng pinoy henyo, walang salita sa mundo ang d nila mahuhulaan.

So panu nga ba mas madaling at mabilis na mahulaan ang bawat salita sa pinoy henyo? Eto ang mga masasabi ko..

Una…. Ang sikreto sa pagkapanalo sa larong ito ay nasa kamay ng taong nasagot at hindi lamang sa taong nahula..

Ikalawa… ang larong ito ay isa lamang regular na multiple choice exam. Kung saan pinaliliit ang malawak na kategorya ng bawat salita.

At ikatlo.. napakahalaga ng malawak n imahinasyon upang makabuo ng maraming kategorya sa isip hangang mapaliit ito sa tanging salita na hinihulaan mo..



Mga teknik na aking nabuo..
1. ito ay para sa taong nahula:
ang taong nahula ay dapat malikhain at malalim mag isip.. at higit sa lahat hindi sya madaling mblanko at mapresure sa maikling oras lamang..

Anu ang mga maari nyang gawin?
Ang mga basic na category ay ang TAO, BAGAY, HAYOP, LUGAR, PAGKAEN, at PANGYAYARI.. ngunit d lahat ng salita sa diksyunaryo ay papasok sa mga kategoryang ito tulad ng hangin, kuryente, kidlat, abo, araw, buwan at iba pa.. at hindi rin lahat ng pumasok sa kategoryang mga ito ay madali mong mahuhulaan; tulad ng boyfriend, niece, grandfather, cancer, ubo, batik, butas at iba pa..

So anu ang maipapayo ko?

Magbigay ng mga kakaibang kategorya tulad ng:
NATURAL b ito? o MAN MADE?
NOUN? VERB? O ADJECTIVE?
COMMON NOUN or PROPER NOUN?
Pwede ba hawakan o hindi?
Nakikita ba o hindi?
Malaki o maliit?
At wag kalimutan ang English b o tagalong?
Sa pagkakaroon ng kakaibang kategorya mas mapapadali ang paghula sa mahiwagang salita..

2. para sa taong nanghuhula:
Ingatan wag mailto sa mga kategoryang ibibigay.. example ang parte ng tao ay nsa kategorya ng tao at hindi sa bagay.. ang sakit, pakiramdam, at ibat ibang nararamdaman ay nasa kategorya ng tao at hindi sa mga pangyayari.. ang mga sinusuot ay nasa kategorya ng bagay at hidi sa kategorya ng tao..

Maging maingat sa pagpapaliit ng mga kategorya upang mas maging madali ang iyong paghula..
Wag maging pabalik balik sa mga kategorya.. nasabi mo na at sinagot ng hindi tapos uulitin m pa..
At wag magbigay ng kalat kalat na mga kategorya kung hindi mo naman alam kung san k pupunta..


3. pra sa taong nasagot:
Ikaw na nasagot ang pinaka susi sa pagkapanalo nyong mag partner.. hindi ka isang tanga lang jan na sasagot ng khit na anung gusto mo o kung anu man ang sa plagay mong tama.. huwag kang dedepenpde sa kakampi mong humuhula..

So anu ang gagawin mo? Ganito….

Sa simulang mkita mo ang salita na huhulaan. Buohin m na sa isip mo ang mga kategoryang kung saan papasok ang salitang ito.. maging accurate ka at precise sa mga kategorya n nasa isip mo.. wag ka bubuo ng ibat ibang way na kategorya.. kung mapipinpoint m ang salita sa isang way lamang ng category un ang gawin mo..

Sumagot ng hindi, kung hindi aun ang kategoryang nasa isip mo, ngunit maging magaling sa pagiisip ng kategorya..

Dalhin mo ang kakampi mo sa way ng category na nasa isip mo.. at hindi sa kung anu anung way na pwde mapuntahan ng kakampi mong humuhula.


higit sa lahat Iwasan ang gumamit ng PWEDE.


3. para sa taong nasagot:
Gumamit ng UO at HIDNDI lamang hangat makakaya..
Ang pagamit ng salitang pwede ay maaring makalito sa taong nahula..

So panu gamitin ang salitang pwde? Ganto

Ang pwde ay ginagamit upang sumagot sa tanung na hindi mo alam lamang.. tandaan n hindi mo alam lamang.. ang ibig sabhin nito ang pwede ay may 90% hindi at 10% uo lamang.. tandaan hindi ito 50-50..

Ang maling pagamit ng pwede ay magbbgay ng maling way sa taong humuhula,,

Halimbawa ng maling pagamit ng pwede: 50%-50%
ang salita ay “calendaryo” at ang tanung ay gawa ba ito sa tela? ------- Papel?
Kung iisipin tama pwedeng gawa ito sa tela o papel. At ang tangang sumasagot ay sasagot dito ng pwede sa tela pwede sa papel.. which is wrong.. bkit?

Para mas mapadali ang ang paghula ng taong nahula pumili lamang sa 2 kategorya. Kung oo ka sa tela mag hindi ka sa papel or kung oo sa papel mag hindi ka sa tela.. dahil ang sagot n pwede ay hindi makatutulong sa kkmpi mo…

Saan tama gamitin ang PWEDE? 10% OO -90% HINDI
Ang salita ay “medyas” at ang tanung ay meron b nito si pinsan?
Sa mga oras n un hindi mo mkita ang pinsan n tinutukoy at wala k naman karapatan tanungin on the spot kung meron nga ba o walamg medyas ang pinsan.. d2 dapat sumagot ng pwede..

Sa makatuwid ang pagsagot ng pwede ay limited.. tandaan mo na ang pwede ay gamitin upang makatulong sa taong nahula at hindi makalito sa knya


4. para sa 2 participants..
Tulad ng nasabi ko kanina.. ang larong ito ay umiikot sa pagbibigay ng category at pagsagot ng UO, HINDI, at PWEDE.. kung itutulad ito sa ibang bagay ito lamang ay isang simple MULTIPLE CHOICE game kung saan oo ang tamang sagot at hindi ang ibang mali..

Kung maipplano nyong 2 ang mga category of choices na pagpipilian mas madali nyong malalaman kung saan papasok ang salita at magiging tamang sagot sa mga choices..


5. mga di inaasahang pangyayari.. (at mga maituturo ko d2 ay malaking tulong at tatandaang sikreto lamang ng 2 kasali)

May mga pangyayari na nauubos ang mga kategorya na nabibigay ng nagtatanung..
Sa gantong tagpo maaring tulungan ng nasagot ang kakampi nya.. panu?
Kung nauubusan ng kategorya si nagtatanung ngunit malapit na sa kategorya ng nasa isip ni nasagot ang mga binibigay ni nagtatanung.
Pwede gumawa ng senyas tulad nito “UHMMMMM HINDI” or pagamit ng kamay na umiikot kung d official ang game (ibig sabihin nito mag bgay ka pa ng category kc malapit k na)..

In other instance.. d n talaga mkuha ni nagtatanung ang category.. ang pagtulong na maaring gawin ni nasagot ay dalhin sya sa ibang way of category… ang pagsagot ng “NO” ay isang magandang gamiting code upang iparating ang ganitong mensahe (balikan mo ung mga category knina, dun ko n lng ipapasok ung salita)

6. lastly bago maglaro nito magusap muna mabuti.. kung anu ang gagawing strategy.. dahil ang larong ito ay mukang simple ngunit kung susuriin mabuti ay very tricky..


Ngunit kung totoo kaung henyo walang mahirap na salita para sa inyo..



Maraming salamat at sana matulungan kau ng guide n nagawa ko…^___^